4. “Gayunma'y huwag magbintang ang sinuman,at huwag usigin ang iba,sapagkat ang hinanakit ko'y laban sa inyo, mga pari.
5. Araw at gabi'y lagi kayong nabibigo,at ang propeta'y kasama ninyong bigo.Kaya't lilipulin ko ang Israel na inyong ina.
6. Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan;sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan,itinatakwil ko rin kayo bilang pari.At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos,kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.
7. “Habang dumarami ang mga pari,lalo naman silang nagkakasalasa akin;kaya gagawin kong kahihiyan ang kanilang kadakilaan.
8. Yumayaman sila dahil sa kasalanan ng mga tao;nabubusog sila sa kasamaan ng aking bayan.
9. At gayon nga ang nangyayari, kung ano ang pari, gayundin ang bayan.Kaya't paparusahan ko sila at pagbabayarin,dahil sa kanilang kasamaan.