Hosea 4:15-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. “Bagaman ikaw ay nangalunya, O Israel,hindi naman kailangang papanagutin din ang Juda.Huwag kang pumasok sa Gilgal,ni umakyat sa Beth-aven;at huwag kang sumumpa ng, ‘Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy.’

16. Matigas ang ulo ng Israel,tulad ng dumalagang baka.Kaya't pakakainin pa ba sila ni Yahwehtulad ng mga tupang dinadala niya sa maluwang na pastulan?

17. Nakiisa sa mga diyus-diyosan ang Efraim;pabayaan mo na siya.

18. Bagaman ubos na ang kanilang alak, patuloy pa rin sila sa pangangalunya;higit nilang nais ang kahihiyan kaysa karangalan.

Hosea 4