1. Dinggin ninyo, mga taga-Israel, ang pahayag ni Yahweh,sapagkat may bintang siya laban sa inyo.“Sa lupaing ito ay walang katapatan,walang pagmamahalan at walang pagkilala sa Diyos.
2. Sa halip ay laganap ang pagtutungayaw at pagsisinungaling,pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya.Nilalabag nila ang lahat ng batasat sunod-sunod ang mga pamamaslang.
3. Kaya't nagdadalamhati ang lupain,nalulumbay ang lahat ng naninirahan dito.Halos malipol ang mga hayop sa parang,ang mga ibon sa papawirin,at ang mga isda sa dagat.
4. “Gayunma'y huwag magbintang ang sinuman,at huwag usigin ang iba,sapagkat ang hinanakit ko'y laban sa inyo, mga pari.
5. Araw at gabi'y lagi kayong nabibigo,at ang propeta'y kasama ninyong bigo.Kaya't lilipulin ko ang Israel na inyong ina.
6. Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan;sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan,itinatakwil ko rin kayo bilang pari.At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos,kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.
7. “Habang dumarami ang mga pari,lalo naman silang nagkakasalasa akin;kaya gagawin kong kahihiyan ang kanilang kadakilaan.