3. Kung hindi'y huhubaran ko siyatulad ng isang sanggol na bagong silang;gagawin ko siyang tulad ng disyerto,tulad ng isang tigang na lupa,at hahayaan ko siyang mamatay sa uhaw.
4. Hindi ko kakahabagan ang kanyang mga anak,sapagkat sila ay mga anak sa pagkakasala.
5. Ang kanilang ina ay naging taksil na asawa;at siyang sa kanila'y naglihi ay naging kahiya-hiya.Sinabi pa nga niya, “Susundan ko ang aking mga mangingibig,na nagbibigay ng aking pagkain at inumin,ng aking damit at balabal, langis at alak.”
6. Dahil dito, haharangan ko ng mga tinik ang kanyang mga landas;paliligiran ko siya ng pader,upang hindi niya matagpuan ang kanyang mga landas.
7. Hahabulin niya ang kanyang mga mangingibig,ngunit sila'y hindi niya maaabutan.Sila'y kanyang hahanapin,ngunit hindi niya matatagpuan.Kung magkagayon, sasabihin niya,“Babalik ako sa aking unang asawa,sapagkat higit na mabuti ang buhay ko sa piling niya noon kaysa kalagayan ko ngayon.”
8. Hindi niya kinilalangako ang nagbigay sa kanyang pagkaing butil, ng alak at ng langis.Sa akin nanggaling ang pilakat ginto na ginagamit niya sa pagsamba kay Baal.
9. Kaya't babawiin koang pagkaing butil na aking ibinigaymaging ang bagong alak sa kapanahunan nito.Babawiin ko rin ang mga damit at balabal,na itinakip ko sa kanyang kahubaran.
10. Ngayo'y ilalantad ko ang kanyang kahubaransa harapan ng kanyang mga mangingibig,walang makakapagligtas sa kanya mula sa aking mga kamay.
11. Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang pagdiriwang,ang mga kasayahan at mga araw ng pangilin,gayundin ang lahat ng itinakda niyang kapistahan.
12. Sasalantain ko ang kanyang mga ubasan at mga punong igos,na sinasabi niyang upa sa kanya ng kanyang mga mangingibig.Lahat ng iyan ay kakainin ng mga hayop,at masukal na gubat ang kauuwian.
13. Paparusahan ko siya dahil sa mga kapistahan, na kanyang ipinagdiwang sa karangalan ni Baal;nagsunog siya ng insenso sa mga diyus-diyosan,nagsuot din siya ng mga singsing at alahas,pagkatapos ay humabol sa kanyang mga mangingibig,at ako'y kanyang nilimot, sabi ni Yahweh.
14. “Ngunit masdan mo, siya'y muli kong susuyuin,dadalhin ko sa ilang,kakausapin nang buong giliw.
15. Doon ay ibabalik ko sa kanya ang kanyang mga ubasan,at gagawin kong pinto ng pag-asa ang Libis ng Kaguluhan.Tutugon naman siya tulad noong panahon ng kanyang kabataan,nang siya'y ilabas ko sa lupain ng Egipto.”