Hosea 13:5-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Kinalinga ko kayo sa ilang,sa lupaing tuyo at tigang.

6. Ngunit nang kayo'y mabusog ay naging palalo;at kinalimutan na ninyo ako.

7. Kaya naman, kayo'y lalapain kong gaya ng leon,gaya ng isang leopardong nag-aabang sa tabing daan.

8. Susunggaban ko kayo, gaya ng osong inagawan ng anak,lalapain ko kayo gaya ng isang leon,gaya ng paglapa ng isang hayop na mabangis.

9. Wawasakin kita, Israel;sino ang sasaklolo sa iyo?

10. Nasaan ngayon ang iyong hari na magliligtas sa iyo?Nasaan ang hari at ang mga pinunong sa akin ay hiningi mo?

Hosea 13