Hosea 13:4-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Sinabi ni Yahweh, “Ako si Yahweh na inyong Diyos.Ako ang nagpalaya sa inyo sa Egipto.Noon, wala kayong ibang Diyos kundi ako,at walang ibang tagapagligtas maliban sa akin.

5. Kinalinga ko kayo sa ilang,sa lupaing tuyo at tigang.

6. Ngunit nang kayo'y mabusog ay naging palalo;at kinalimutan na ninyo ako.

7. Kaya naman, kayo'y lalapain kong gaya ng leon,gaya ng isang leopardong nag-aabang sa tabing daan.

8. Susunggaban ko kayo, gaya ng osong inagawan ng anak,lalapain ko kayo gaya ng isang leon,gaya ng paglapa ng isang hayop na mabangis.

9. Wawasakin kita, Israel;sino ang sasaklolo sa iyo?

Hosea 13