1. Noong una, kapag nagsalita si Efraim,ang mga tao ay nanginginig sa takot,sapagkat siya ay pinaparangalan sa Israel.Ngunit nagkasala siya at nahatulang mamatay dahil sa pagsamba kay Baal.
2. Hanggang ngayo'y patuloy sila sa paggawa ng kasalanan.Tinutunaw ang mga pilak at ginagawang diyus-diyosan.Pagkatapos ay sinasabi, “Maghandog kayo rito!At halikan ninyo ang mga guyang ito.”
3. Kaya nga, matutulad sila sa mga ulap sa umagao sa hamog na madaling naglalaho;gaya ng ipa na inililipad ng hangin,gaya ng usok na tinatangay sa malayo.
4. Sinabi ni Yahweh, “Ako si Yahweh na inyong Diyos.Ako ang nagpalaya sa inyo sa Egipto.Noon, wala kayong ibang Diyos kundi ako,at walang ibang tagapagligtas maliban sa akin.
5. Kinalinga ko kayo sa ilang,sa lupaing tuyo at tigang.
6. Ngunit nang kayo'y mabusog ay naging palalo;at kinalimutan na ninyo ako.
7. Kaya naman, kayo'y lalapain kong gaya ng leon,gaya ng isang leopardong nag-aabang sa tabing daan.