Habakuk 3:1-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk:

2. O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa,at ako'y lubos na humanga.Ulitin ninyo ngayon sa aming panahonang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon.Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit.

3. Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman,ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran.Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian,at puno ang lupa ng papuri sa kanya.

4. Darating siyang sinliwanag ng kidlat,na gumuguhit mula sa kanyang kamay;at doon natatago ang kanyang kapangyarihan.

5. Nagpapadala siya ng karamdamanat inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya.

6. Huminto siya at nayanig ang lupa;sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa.Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat;ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog—mga daang nilakaran niya noong unang panahon.

7. Nakita kong natakot ang mga tao sa Cusan,at nanginig ang lahat sa lupain ng Midian.

8. Nagagalit ba kayo dahil sa mga ilog, O Yahweh?Ang mga dagat ba ang sanhi ng inyong poot?Nakasakay kayo sa inyong mga kabayo,at magtatagumpay na lulan ng iyong karwahe,habang pinagtatagumpay ninyo ang inyong bayan.

9. Binunot ninyo sa suksukan ang inyong pana,at inihanda ang inyong mga palaso.Biniyak ng inyong kidlat ang lupa.

10. Nakita kayo ng mga bundok at sila'y nanginig;bumuhos ang malakas na ulan.Umapaw ang tubig mula sa kalaliman,at tumaas ang along naglalakihan.

11. Ang araw at ang buwan ay humintodahil sa bilis ng inyong pana at sibat.

12. Galit na galit kayong naglakad sa buong daigdig,at sa tindi ng poot ninyo, ang mga bansa ay niyurakan.

Habakuk 3