6. sa usapan ninyo'y di ako sasali,sa inyong gawain, hindi babahagi.Kapag nagagalit agad pumapatay,lumpo pati hayop kung makatuwaan.
7. Kayo'y susumpain, sa bangis at galit,sa ugali ninyo na mapagmalabis;kayo'y magkawatak-watak sa buong lupain,sa buong Israel ay pangangalatin.
8. “Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal,hawak mo sa leeg ang iyong kaaway,lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang.
9. Mabangis na leon ang iyong larawan,muling nagkukubli matapos pumatay;ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay,walang mangangahas lumapit sinuman.
10. Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihansa kanya kailanma'y hindi lilisan;mga bansa sa kanya'y magkakaloob,mga angkan sa kanya'y maglilingkod.
11. Batang asno niya doon natatali,sa puno ng ubas na tanging pinili;mga damit niya'y doon nilalabhan,sa alak ng ubas na lubhang matapang.
12. Mata'y namumula dahilan sa alak,ngipi'y pumuputi sa inuming gatas.
13. “Sa baybaying-dagat doon ka, Zebulun,ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong;ang iyong lupai'y aabot sa Sidon.
14. “Malakas na asno ang katulad mo, Isacar,ngunit sa kulungan ka maglulumagak.