3. Napansin ni Potifar na tinutulungan ni Yahweh si Jose,
4. kaya ginawa niya itong katiwala sa bahay at sa lahat niyang ari-arian.
5. Mula noon, dahil kay Jose ay pinagpala ni Yahweh ang buong sambahayan ni Potifar pati ang kanyang mga bukirin.
6. Ipinagkatiwala ni Potifar kay Jose ang lahat, maliban sa pagpili ng kanyang kakainin.Si Jose'y matipuno at magandang lalaki.
7. Dumating ang panahon na pinagnasaan siya ng asawa ni Potifar. Sinabi nito, “Sipingan mo ako.”