Genesis 39:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Dinala nga si Jose sa Egipto at doo'y ipinagbili siya ng mga Ismaelita kay Potifar, isang Egipcio na pinuno sa pamahalaan ng Faraon at kapitan ng mga tanod sa palasyo.

2. Sa buong panahon ng paglilingkod ni Jose sa bahay ni Potifar ay pinatnubayan siya ni Yahweh. Anumang kanyang gawin ay nagtatagumpay.

3. Napansin ni Potifar na tinutulungan ni Yahweh si Jose,

4. kaya ginawa niya itong katiwala sa bahay at sa lahat niyang ari-arian.

Genesis 39