1. Minsan, si Dina, ang anak na dalaga ni Jacob kay Lea, ay dumalaw sa ilang kababaihan sa lupaing iyon.
2. Nakita siya ni Shekem, anak na binata ni Hamor na isang Hivita at pinuno sa lupaing iyon. Sapilitan siyang isinama nito at ginahasa.
3. Ngunit napamahal na nang husto kay Shekem si Dina at sinikap niyang suyuin ito.
4. Sinabi ni Shekem sa kanyang ama na lakaring mapangasawa niya ang dalaga.
5. Nalaman ni Jacob na pinagsamantalahan ni Shekem ang kanyang anak, ngunit hindi muna siya kumibo sapagkat nagpapastol noon ng baka ang kanyang mga anak na lalaki.