Genesis 33:3-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Umuna si Jacob sa kanilang lahat at pitong ulit na yumukod hanggang sa makarating sa harapan ng kapatid.

4. Siya'y patakbong sinalubong ni Esau, niyakap nang mahigpit at hinagkan. Nag-iyakan ang magkapatid.

5. Nang makita ni Esau ang mga babae at mga bata, itinanong niya kung sino sila.“Iyan ang mga anak na kaloob sa akin ng Diyos,” tugon ni Jacob.

6. Nagsilapit ang mga asawang-lingkod na kasama ang mga bata at yumukod;

7. sumunod si Lea at ang kasamang mga bata, at sa katapus-tapusa'y si Jose at si Raquel. Yumukod silang lahat at nagbigay-galang kay Esau.

8. “Ano naman ang mga kawan na nasalubong ko?” tanong ni Esau.“Iyon ay mga pasalubong ko sa iyo,” sagot niya.

9. Ngunit sinabi ni Esau, “Sapat na ang kabuhayan ko. Sa iyo na lang iyan.”

Genesis 33