Genesis 32:21-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Ang mga regalong ito'y nauna sa kanya; nagpahinga muna siya sa kanyang kampo nang gabing iyon.

22. Nang gabi ring iyon, gumising si Jacob at itinawid sa Ilog Jabok ang dalawa niyang asawa, labing-isang anak at dalawang asawang-lingkod.

23. Pagkatapos maitawid ang lahat niyang ari-arian,

24. naiwang mag-isa si Jacob.Doon, nakipagbuno sa kanya ang isang lalaki hanggang sa pagbubukang-liwayway.

25. Nang maramdaman ng lalaki na hindi niya madadaig si Jacob, hinampas niya ito sa balakang at ang buto nito'y nalinsad.

26. Sinabi ng lalaki, “Bitiwan mo na ako at magbubukang-liwayway na!”“Hindi kita bibitiwan hangga't hindi mo ako binabasbasan,” wika ni Jacob.

Genesis 32