15. Kayo ng babae'y aking pag-aawayin,binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin.Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.”
16. Sa babae nama'y ito ang sinabi:“Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin,at sa panganganak sakit ay titiisin;ang asawang lalaki'y iyong nanasain,pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.”
17. Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan:“Dahil nakinig ka sa iyong asawa,nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga;dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa,sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.
18. Mga damo at tinik ang iyong aanihin,halaman sa gubat ang iyong kakainin;
19. sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagalingmaghihirap ka hanggang sa malibing.Dahil sa alabok, doon ka nanggaling,sa lupang alabok ay babalik ka rin.”