Genesis 27:39-42 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

39. Sinabi ni Isaac sa kanya,“Ang magiging tahanan mo'y malayo sa kasaganaan,pati hamog mula sa langit, ika'y pagkakaitan.

40. Tabak mo ang iyong ikabubuhay,kapatid mo'y iyong paglilingkuran;upang kalayaa'y iyong makamit,kailangang ikaw ay maghimagsik.”

41. Namuhi si Esau kay Jacob sapagkat ito ang binasbasan ng kanyang ama. Kaya't ganito ang nabuo sa kanyang isipan: “Pagkamatay ng aking ama, at ito'y hindi na magtatagal, papatayin ko si Jacob!”

42. May nakapagsabi kay Rebeca tungkol sa balak ni Esau, kaya't ipinagbigay-alam niya agad ito kay Jacob. Sinabi niya, “Anak, binabalak ng iyong kapatid na patayin ka upang makapaghiganti siya.

Genesis 27