Genesis 22:3-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Kinabukasan, maagang bumangon si Abraham at nagsibak ng kahoy na gagamiting panggatong sa handog na susunugin. Inihanda niya ang asno, at umalis kasama si Isaac at ang dalawang aliping lalaki papunta sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya.

4. Nang ikatlong araw ng paglalakbay, natanaw na nila ang dakong kanilang pupuntahan.

5. Kaya't sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, “Bantayan ninyo rito ang asno at kami na lamang ng bata ang aakyat sa bundok. Sasamba kami sa dako roon, at babalikan namin kayo.”

Genesis 22