Genesis 21:32-34 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

32. Matapos ang sumpaang iyon, bumalik na sa lupain ng mga Filisteo si Abimelec at si Picol na pinuno ng kanyang hukbo.

33. Pagkaalis nila'y nagtanim naman si Abraham ng punong tamarisko sa Beer-seba at sumamba kay Yahweh, ang Diyos na Walang Hanggan.

34. Mahabang panahong nanirahan si Abraham sa lupain ng mga Filisteo.

Genesis 21