Genesis 19:21-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. “Oo, sige, doon na kayo magpunta, at hindi ko wawasakin ang bayang iyon.

22. Ngunit magmadali kayo! Hindi ko maitutuloy ang gagawin ko hangga't wala kayo roon.”Maliit ang bayang iyon kaya ito'y tinawag na Zoar.

23. Mataas na ang araw nang makarating si Lot sa Zoar.

24. Saka pa lamang pinaulanan ni Yahweh ng apoy at asupre ang Sodoma at Gomorra.

25. Tinupok ni Yahweh ang mga lunsod na iyon at ang buong libis, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim.

26. Ngunit lumingon ang asawa ni Lot kaya't ito'y naging isang haliging asin.

27. Kinabukasan, maagang nagtungo si Abraham sa dakong pinagtagpuan nila ni Yahweh.

Genesis 19