Genesis 10:9-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Siya rin ang pinakamahusay na mangangaso dahil sa tulong ni Yahweh, kaya may kasabihang: “Maging mahusay ka sanang mangangaso tulad ni Nimrod, sa tulong ni Yahweh.”

10. Kabilang sa kauna-unahang kaharian na sakop niya ang Babilonia, Erec at Acad, pawang nasa lupain ng Sinar.

11. Mula rito'y pumunta siya sa Asiria at itinatag ang mga lunsod ng Nineve, Rohobot-ir, Cale

12. at ang Resen sa pagitan ng Nineve at Cale, ang pangunahing lunsod.

13. Si Egipto ang ama ng mga taga-Lud, Anam, Lehab at Naftuh,

14. gayon din ng mga taga-Patrus, Casluh at Caftor na pinagmulan ng mga Filisteo.

15. Ang panganay ni Canaan ay si Sidon na sinundan ni Het.

16. Kay Canaan din nagmula ang mga Jebuseo, Amoreo, Gergeseo,

17. Hivita, Araceo, Sineo,

18. Arvadeo, Zemareo at Hamateo. Simula noon, kung saan-saan nakarating ang mga Cananeo.

Genesis 10