Genesis 10:1-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ang kasaysayan ng mga anak ni Noe na sina Shem, Ham at Jafet pagkatapos ng baha.

2. Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras.

3. Sina Askenaz, Rifat at Togarma ang mga anak na lalaki ni Gomer.

4. Ang kay Javan naman ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.

5. Ito ang mga anak at apo ni Jafet. Sa kanila nagmula ang mga bansa sa baybay-dagat at mga pulo. Bawat isa'y nagkaroon ng sariling lupain at wika.

6. Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Egipto, Libya at Canaan.

7. Sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca ang mga anak na lalaki ni Cus. Ang kay Raama naman ay sina Saba at Dedan.

8. Si Nimrod, isa pang anak na lalaki ni Cus, ang kauna-unahan sa daigdig na naging dakila at makapangyarihan.

Genesis 10