1. Ito ang listahan ng mga pinuno ng mga angkan na dinalang-bihag sa Babilonia at bumalik na kasama ni Ezra noong panahon ng paghahari ni Artaxerxes:
2. Sa angkan ni Finehas ay si Gersom; sa angkan ni Itamar, si Daniel; sa angkan ni David ay si Hatus
3. na anak ni Secanias; sa angkan ni Paros ay si Zacarias at ang mga kasama niyang 150 lalaki;
4. sa angkan ni Pahat-moab ay si Eliehoenai na anak ni Zeraias at ang kasama nilang 200 lalaki;
5. sa angkan ni Zatu ay si Secanias na anak ni Jahaziel at ang kasama nilang 300 lalaki;
6. sa angkan ni Adin ay si Ebed na anak ni Jonatan at ang kasama nilang limampung lalaki;
7. sa angkan ni Elam ay si Isaya na anak ni Atalias at ang kasama nilang pitumpung lalaki;
26-27. Ang mga ibinigay ko sa kanila ay 22,750 kilong pilak; sandaang sisidlang pilak na may bigat na pitumpung kilo; 3,500 kilong ginto; dalawampung mangkok na ginto na ang timbang ay walong kilo at apat na guhit; at dalawang mangkok na yari sa pinong tanso na kasinghalaga ng mga mangkok na ginto.”