1. Sinabi sa akin ni Yahweh,
2. “Ezekiel, anak ng tao, sa Jerusalem ka naman humarap at magpahayag laban sa mga dambana at bigyang babala ang Israel.
3. Sabihin mo, ganito ang sabi ni Yahweh: Ako ay laban sa iyo. Bubunutin ko ang aking tabak at papatayin ang masama't mabuti.
4. Ang pagbunot ko nito ay laban sa lahat ng tao, mula sa timog hanggang sa hilaga.
5. Sa pamamagitan nito'y makikilala ng lahat na akong si Yahweh ang nagbunot ng tabak at hindi ko ito isusuksok muli.
6. Kaya, Ezekiel, manangis kang walang tigil at iparinig mo ito sa kanila.