4. Nang mabalitaan ito ng mga bansa sa paligid,hinuli siya sa patibong, ikinulong at dinala sa Egipto.
5. Naghintay siya nang naghintay hanggang sa mawalan ng pag-asa;kaya, inaruga ang isa pang anak niya,na nang lumaki'y naging isang mabangis na leon.
6. Sumama siya sa ibang leong tulad niyaat siya'y natutong manlapa ng tao.
7. Iginuho niya ang mga tanggulan ng kalaban,at kanyang winasak ang kanilang mga bayan.Ang buong lupain, lahat ng mamamayan,ay nangingilabot sa kanyang atungal.
8. At nagkaisa laban sa kanya ang mga bansa sa palibot.Iniumang nila ang kanilang mga lambatat siya ay nahulog sa kanilang patibong.