Ezekiel 18:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Sinusunod niya ang aking mga utos at mga tuntunin. Ang ganitong tao ay matuwid at mabubuhay siya.

10. “Sakaling magkaanak siya ng magnanakaw, mamamatay-tao at hindi sumunod sa alinman sa mga tuntuning ito,

11. bagkus ay nakikisalo sa mga handaan sa mga sagradong burol, sumisiping sa asawa ng iba,

12. nang-aapi ng mahihirap, nagnanakaw, hindi marunong magbayad ng utang, sumasamba sa diyus-diyosan, gumagawa ng mga kasuklam-suklam na gawain,

Ezekiel 18