Exodo 39:9-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ito'y magkataklob at parisukat: 0.2 metro ang haba, at ganoon din ang lapad.

10. Kinabitan nila ito ng apat na hilera ng mamahaling bato: Sa unang hanay ay rubi, topaz at karbungko.

11. Sa ikalawang hilera naman ay esmeralda, safiro at brilyante.

12. Sa ikatlong hilera ay jacinto, agata at ametista.

13. At sa ikaapat, berilo, kornalina at jasper. Lahat ng ito ay nakalagay sa patungang ginto.

Exodo 39