Exodo 28:36-38 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

36. “Gumawa ka rin ng isang palamuting ginto na may nakaukit na ganito: ‘Inilaan kay Yahweh.’

37. Itali mo ito ng asul na lubid sa turbante,

38. sa tapat ng noo ni Aaron; siya ang magdadala ng anumang pagkukulang ng mga Israelita sa kanilang paghahandog kay Yahweh. Sa gayo'y magiging kalugud-lugod sa kanya ang kanilang mga handog.

Exodo 28