2. Si Yahweh ang aking kapangyarihan at kalakasan,siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.Siya'y aking Diyos na aking pupurihin,Diyos ng aking ama, aking dadakilain.
3. Siya'y isang mandirigma;Yahweh ang kanyang pangalan.
4. “Mga karwahe't kawal ni Faraon, sa dagat ay kanyang itinapon,sa Dagat na Pula nailibing, mga pinunong Egipcio na pawang magagaling.