1. Si Haring Xerxes at si Haman ay dumalo sa ikalawang handaan ni Reyna Ester.
2. Habang sila'y nag-iinuman, itinanong ng hari, “Reyna Ester, ano nga ba ang hihilingin mo? Sabihin mo at ibibigay ko sa iyo, kahit ang kalahati ng aking kaharian.”
3. Sumagot si Reyna Ester, “Kung inyo pong mamarapatin, Mahal na Hari, nais ko po sanang hilingin na ako at ang aking mga kababayan ay inyong iligtas,
4. sapagkat kami po ay ipinagbili para patayin at lipulin. Kung kami po ay ipinagbili upang maging mga alipin, magsasawalang-kibo na lamang po ako at hindi na kayo gagambalain pa. Subalit kami po ay nililipol na!”
5. Itinanong ng hari, “Sinong may pakana ng mga bagay na ito?”
6. Sumagot si Ester, “Ang aming kaaway at taga-usig—ang masamang, si Haman!”At si Haman ay nangatog sa takot sa harap ng hari at ng reyna.
7. Galit na galit na tumindig ang hari at nagpunta sa hardin ng palasyo. Naiwan naman si Haman at nagmakaawa kay Reyna Ester sapagkat natitiyak niyang siya'y paparusahan ng hari.