6. “Ang lipi ni Ruben sana'y manatili,kahit ang bilang niya'y kakaunti.”
7. Tungkol kay Juda ay ganito ang sinabi:“Dinggin mo, Yahweh, ang daing nitong Juda,ibalik mo siya sa piling ng kanyang bayan,at tulungan siya sa pakikipaglaban.”
8. Tungkol kay Levi ay kanyang sinabi:“Ang Tumim ay kay Levi, ang Urim ay sa tapat mong alipin;sa kanya na iyong sinubok sa Masah at sa may tubig ng Meriba.
9. Higit ka niyang pinahalagahan kaysa kanyang mga magulang,pati anak at kapatid ay hindi isinaalang-alang.Upang masunod lang ang iyong kautusan,at maging tapat sa iyong kasunduan.
10. Kaya't siya ang magtuturo sa Israel ng iyong kautusan,siya ang magsusunog ng insenso at mga alay sa altar.