Deuteronomio 33:12-17 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. Tungkol naman kay Benjamin, ganito ang sinabi:“Mahal ka ni Yahweh at iniingatan,sa buong maghapon ika'y binabantayan,at sa kanyang mga balikat ika'y mananahan.”

13. Tungkol kay Jose ay sinabi:“Pagpalain nawa ni Yahweh ang kanilang lupain,sa hamog at ulan ay palaging diligin,at tubig mula sa lupa ay pabukalin.

14. Magkaroon nawa siya ng mga bungang hinog araw-araw,at mga pagkaing inani sa kapanahunan.

15. Mapupuno ng prutas maging matandang kabundukan.

16. Ang lupain niya'y sasagana sa lahat ng kabutihan,mula kay Yahweh na nagsalita mula sa nag-aapoy na halaman.Tamasahin nawa ng lipi ni Jose ang mga pagpapalang ito,sapagkat sa ibang lipi'y siya ang namuno.

17. Ang panganay niya ay magiging makapangyarihan;parang lakas ng toro ang kanyang taglay.Ang mga bansa'y sama-samang itataboy hanggang dulo ng daigdig.Ganyan ang kapangyarihan ng laksa-laksang kawal ni Efraim,sa ganyan matutulad libu-libong kawal ni Manases.”

Deuteronomio 33