Deuteronomio 31:24-27 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. Matapos isulat ni Moises sa isang aklat ang buong kautusan,

25. sinabi niya sa mga pari,

26. “Dalhin ninyo ang aklat na ito at itabi sa Kaban ng Tipan upang maging babala sa inyo.

27. Alam kong kayo'y mapaghimagsik at matigas ang ulo. Kung ngayong buháy pa ako ay lagi kayong naghihimagsik kay Yahweh, lalo na kung patay na ako.

Deuteronomio 31