Daniel 10:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nang ikatlong taon ng paghahari ni Ciro ng Persia, isang pahayag ang dumating kay Daniel na tinatawag ding Beltesazar. Ang pahayag na iyon ay totoo ngunit mahirap unawain. Ngunit naunawaan din ito ni Daniel sa pamamagitan ng pangitain.

2. Noon, akong si Daniel ay tatlong linggo nang nagluluksa.

3. Tatlong linggo na rin akong hindi kumain ng anumang masarap na pagkain, ni tumikim man lamang ng karne o alak. Ni hindi ako naglagay ng langis sa aking ulo.

4. Noong ikadalawampu't apat na araw ng unang buwan, habang nakatayo ako sa pampang ng malaking Ilog Tigris,

5. tumingala ako at may nakita akong isang lalaking nakadamit ng telang lino at may sinturong yari sa lantay na ginto.

Daniel 10