20. Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.
21. Huwag mong pakinggan ang lahat ng sasabihin sa iyo ng tao at baka kalaunan ay mismong alila mo ang humamak sa iyo;
22. sapagkat alam mo sa iyong sarili kung gaano na karami ang iyong hinamak.
23. Sa lahat ng bagay ay sinubok ko ang karunungan sa pag-aakalang ako'y matalino ngunit napatunayan kong hindi pala.
24. Hindi natin matatarok ang kahulugan ng buhay. Napakahiwaga nito para natin maunawaan.