Ang Mangangaral 7:18-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

18. Huwag kang magpapakalabis ng kabutihan o kasamaan. Sa anumang kalagayan mo, magtatagumpay ka kung may takot ka sa Diyos.

19. Higit ang magagawa ng karunungan ng isang tao, kaysa magagawa ng sampung hari sa isang lunsod.

20. Walang taong nabuhay sa daigdig na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.

21. Huwag mong pakinggan ang lahat ng sasabihin sa iyo ng tao at baka kalaunan ay mismong alila mo ang humamak sa iyo;

22. sapagkat alam mo sa iyong sarili kung gaano na karami ang iyong hinamak.

23. Sa lahat ng bagay ay sinubok ko ang karunungan sa pag-aakalang ako'y matalino ngunit napatunayan kong hindi pala.

Ang Mangangaral 7