Ang Mangangaral 11:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Maghagis ka ng tinapay sa gitna ng karagatan at may mapapakinabangan ka pagdating ng araw.

2. Hatiin sa pito, sa walo ang kalakal mo pagkat di mo masisiguro kung ano ang kasamaang mangyayari sa mundo.

3. Kapag ang ulap ay maitim na't di makaya ang hangin, nagiging ulan itong bumubuhos sa daigdig. Kung saan nakahapay ang punongkahoy ay doon ito mabubuwal.

4. Ang naghihintay sa pagtigil ng hangin ay di-kailanman makapaghahasik ng kanyang binhi. At ang nag-aalala sa patak ng ulan ay di makapag-aani.

Ang Mangangaral 11