13. Siniyasat ko at pinag-aralang mabuti ang lahat ng bagay sa buong mundo. At nakita kong ang tao'y itinalaga ng Diyos sa matinding paghihirap.
14. Nakita kong ang lahat ng gawa ng tao sa mundong ito ay walang kabuluhan; ito'y tulad lang ng paghahabol sa hangin.
15. Hindi na maitutuwid ang baluktot at hindi na maibibilang ang wala.