Ang Awit Ni Solomon 6:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. O babaing napakaganda,giliw mo'y saan ba nagpunta?Ika'y aming tutulungan sa paghanap mo sa kanya.

2. Ang mahal kong kasintahan ay nagpunta do'n sa hardin,sa hardin na ang halama'y mababangong mga tanimupang kawan ay bantayan at ang liryo ay pitasin.

3. Ang irog ko'y akin lamang, at sa kanya naman ako;sa kanya na nagpapastol ng kawan sa mga liryo.

4. Katulad ng Jerusalem ang ganda mong tinataglay,tila Tirzang may pang-akit ang iyong kagandahan.

5. Sa aki'y huwag mong ititig ang mata mong mapupungay,pagkat ako'y nabibihag, hindi ako mapalagay.Ang buhok mong anong haba, pagkilos mo'y sumasayawparang kawan na naglalaro sa bundok ng Gilead.

6. Ang ngipin mo'y kasimputi nitong tupang bagong linis,walang kulang kahit isa, maganda ang pagkaparis.

Ang Awit Ni Solomon 6