5. Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas,at magiliw na binusog ng matamis na mansanas;dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas.
6. Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan,habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
7. Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin,ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
8. Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig.