Amos 9:10-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Ang mga makasalanan sa aking bayan ay masasawi sa digmaan;lahat ng nagsasabing, ‘Hindi ipahihintulot ng Diyos na tayo'y mapahamak.’”

11. “Sa araw na iyon, ibabangon kong muliang nawasak na kaharian ni David,at aayusin kong muli ang mga nasirang dako.Ibabalik ang mga guho;itatayo kong muli iyon, kagaya noong una.

12. Sa gayon ay sasakupin ng Israel ang nalalabi sa lupain ng Edomat ang lahat ng bansang dati'y aking pag-aari,”sabi ni Yahweh na siyang gagawa ng mga bagay na ito.

13. Sinabi rin ni Yahweh, “Darating ang panahon,mag-aararo ang magbubukid habang nag-aani pa ang manggagapas;at maghahasik na ng binhi ng ubas ang magsasaka habang gumagawa pa ng alak ang mag-aalak.Dadaloy sa mga bundok ang bagong alak,at masaganang aagos sa mga burol.

Amos 9