12. Mula sa hilaga papuntang timog,mula sa silangan hanggang sa kanluran,hahanapin nila ang salita ni Yahweh,subalit iyon ay hindi nila matatagpuan.
13. Dahil sa matinding pagkauhaw na ito,mawawalan ng malay-tao ang magagandang dalaga at ang malalakas na binata.
14. Ang mga sumusumpa sa pangalan ng mga diyus-diyosan sa Samaria,ang mga nagsasabing, ‘Sa ngalan ng diyos ng Dan,’at ‘Sa ngalan ng diyos ng Beer-seba,’sila'y mabubuwal at hindi na makakabangon pa.”