Amos 5:19-22 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Para kayong umiwas sa leon ngunit oso ang nasagupa!O kaya'y gaya ng isang taong umuwi sa bahay,ngunit pagsandal sa dingding ay tinuklaw ng ahas!

20. Magiging pusikit na kadiliman at hindi kaliwanagan ang araw ni Yahweh;araw na napakalungkot at napakadilim!

21. “Namumuhi ako sa inyong mga handaan,hindi ako nalulugod sa inyong mga banal na pagtitipon.

22. Hindi ko matatanggap ang inyong mga handog na sinusunog,handog na mga pagkaing butil at mga hayop na pinataba.Kahit na ang mga iyon ay handog pangkapayapaan,hindi ko pa rin papansinin.

Amos 5