Amos 3:8-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Kapag umungal ang leon,sino ang hindi matatakot?Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh,sinong hindi magpapahayag?

9. Ipahayag mo sa mga nakatira sa mga tanggulan ng Asdod,at sa mga tanggulan ng Egipto,“Magtipon kayo sa mga bundok ng Samaria,tingnan ninyo ang malaking kaguluhan doon,maging ang nagaganap na pang-aapi sa lunsod.”

10. “Hindi na nila alam ang paggawa ng mabuti,” sabi ni Yahweh.“Ang mga bahay nila'y punung-puno ng mga bagay na kinamkam sa pamamagitan ng karahasan at pagpatay.

11. Kaya't lulusubin sila ng isang kaaway,wawasakin ang kanilang mga tanggulan,hahalughugin ang kanilang mga tahanan.”

Amos 3