2 Timoteo 2:25-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

25. Mahinahon niyang itinutuwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling marapatin ng Diyos na sila'y magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan upang makilala nila ang katotohanan.

26. Sa gayon, maliliwanagan ang kanilang isip at makakawala sila sa bitag ng diyablo na bumihag at umalipin sa kanila.

2 Timoteo 2