2 Samuel 8:17-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Si Zadok namang anak ni Ahitub at si Ahimelec na anak ni Abiatar ang mga pari. Ang tagapagtala at nag-iingat ng lahat ng kasulatan ay si Seraya.

18. Si Benaias na anak ni Joiada ang pinamahala niya sa mga bantay na Kereteo at Peleteo. Ang mga lalaking anak ni David ay nagsilbi ring mga pari.

2 Samuel 8