2 Samuel 7:3-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Sumagot si Natan, “Isagawa mo ang iyong iniisip, sapagkat si Yahweh ay sumasaiyo.”

4. Ngunit nang gabi ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Natan,

5. “Pumunta ka kay David na aking lingkod at sabihin mo, ‘Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan?

6. Mula nang ilabas ko sa Egipto ang Israel, wala pa akong bahay na masasabing akin. Hanggang ngayo'y tolda pa ang aking tahanan.

2 Samuel 7