2 Samuel 15:20-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Hindi ka pa nagtatagal dito, at hindi ka dapat sumama sa aming paglalagalag. Hindi ko alam kung saan ito hahantong. Isama mo ang iyong mga kababayan at bumalik na kayo. Nawa'y si Yahweh ang maging matatag at tapat mong kaibigan.”

21. Ngunit sinabi ni Itai, “Kamahalan, hangga't si Yahweh at ang hari ay nabubuhay, sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.”

22. Sinabi ni David, “Mabuti! Kung gayon, magpatuloy ka.”Nagpatuloy nga siya, kasama ang mga tauhan at ang kanilang mga pamilya.

23. Umiyak ang mga taong-bayan habang umaalis ang hari at ang kanyang mga tauhan. Tumawid sila ng Batis ng Kidron at nagtuloy sa ilang.

2 Samuel 15