2 Mga Taga-Corinto 7:14-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

14. Ipinagmalaki ko kayo sa kanya, at hindi naman ako napahiya. Sapagkat kung paanong lahat ng sinasabi ko sa inyo ay totoo, napatunayang totoo rin ang lahat ng sinabi ko kay Tito tungkol sa inyo.

15. At habang iniisip niya ang inyong pagkamasunurin, lalo naman kayong napapamahal sa kanya. Hindi rin niya malimut-limutan ang magandang pagtanggap at paggalang ninyo sa kanya.

16. Labis akong nagagalak dahil kayo'y lubos kong mapagkakatiwalaan.

2 Mga Taga-Corinto 7