10. Inari kaming nalulungkot, ngunit laging nagagalak; mukhang naghihirap, ngunit pinapayaman namin ang marami; parang walang-wala, ngunit sagana sa lahat ng bagay.
11. Mga kapatid na taga-Corinto, tapatan ang pagsasalita namin sa inyo. Ibinukas namin ang puso namin sa inyo.
12. Hindi namin isinara ang aming puso sa inyo; kayo ang nagsara ng inyong puso sa amin.
13. Ako'y nagsasalitang tulad ng isang ama, kaya buksan naman ninyo sa amin ang inyong puso, tulad ng ginagawa namin sa inyo.
14. Huwag na kayong makipag-isa sa mga di sumasampalataya. Maaari bang magsama ang katuwiran at ang kalikuan? O kaya'y ang liwanag at ang kadiliman?