2 Mga Taga-Corinto 6:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong sayangin ang kagandahang-loob na ibinibigay sa inyo ng Diyos.

2. Sapagkat sinasabi niya,“Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita,sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.”Ngayon na ang panahong nararapat! Ito na ang araw ng pagliligtas!

3. Iniwasan naming makagawa ng anumang ipagdaramdam ninuman upang hindi mapulaan ang aming paglilingkod.

4. Sa halip, sinisikap namin sa lahat ng paraan na ipakilalang kami'y lingkod ng Diyos, sa pamamagitan ng matiyagang pagtitiis sa lahat ng uri ng kahirapan, kapighatian at mga kagipitan.

2 Mga Taga-Corinto 6